DALAWANG LALAKING NAGNAKAW NG TRI-BIKE SA SAN NICOLAS, PANGASINAN ARESTADO!

28
Timbog ang dalawang lalaki sa pagnanakaw ng tri-bike sa Brgy. Poblacion West, San Nicolas, Pangasinan.
Ang mga suspek ay sina Filbert Gatmen, 48 anyos at Joemark Lopez, 31 anyos. Ang biktima naman ay si Ivan Somera, 28 anyos at business owner.
Ayon sa pagsisiyasat ng otoridad, ipinarada ng biktima ang kanyang tri-bike sa tapat ng kanilang tahanan at ng kanyang balikan ay nawawala na ito. Kanilang sinuri ang kuha ng CCTV at nakilala ang mga salarin.

Natunton ng otoridad ang dalawang suspek at nabawi sa kanila ang ninakaw na tri-bike food cart.
Nananatili sila sa kustodiya ng otoridad at nahaharap sa kasong theft o pagnanakaw. | ifmnews
Facebook Comments