Dalawang lalaking nagtutulak ng iligal na droga sa Taguig, arestado sa buy-bust operation

53

Timbog ang dalawang lalaking nagtutulak umano ng shabu matapos ikasa ang buy-bust operation sa lungsod ng Taguig.


Nakilala ang mga suspek na sina Leo Sampaga Ramirez, 39-anyos at Bert Balabaran Mama, 43-anyos.

Nakuha sa kanila ang 2.83 grams na umano’y shabu, subject for selling at may katumbas na halagang P19,244.

Ginawa ang operasyon sa Road 12, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City pasado alas-7:00 kagabi matapos mabilhan ang mga salarin ng ipinagbabawal na droga ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakakulong na ang mga suspek sa Taguig City PNP custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments