Dalawang lalaking napatay sa pamamaril, kinursunada ang suspek na nakapatay sa kanila

331

Manila, Philippines – Kinursunada umano ng dalawang lalaking napatay ang suspek na namaril sa kanila sa kanto ng KJ Street at Kamias Road Barangay Kamias Quezon City.

Ayon sa service crew ng isang burger stand na nakasaksi sa insidente, hinarang umano ng lasing na sina Niko John Ledesma at Nelvir Enano ang suspek saka sinigawan.

Tumutugma ito sa pahayag ni barangay Kamias tanod Roger Gonzales na una na inaway nina Ledesma at Enano matapos na sawayin ang dalawa dahil sa gustong uminom sa kalsada.

Pasado alas tres ng madaling-araw kanina nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek na naka-orange na damit, naka-short pants at bull cap na naglakad lamang matapos ang insidente.
DZXL558

Facebook Comments