Dalawang lalaking tulak umano ng iligal na droga sa Makati City, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang dalawang lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa Makati City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-4:40 ng hapon kahapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Arnel Bajado Sarmiento, 44-anyos at Romeo Nibrija Dulce, 51-anyos.

Nakuha mula sa kanila ang 12 pirasong sachet na hinihinalang shabu na subject for selling at may katumbas na halagang ₱13,600 at ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.


Ginawa ang operasyon sa Ponte St., Brgy. Tejeros, lungsod ng Makati, matapos mabilhan ang mga suspek ng umano’y shabu ng pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nakakulong na sila sa Station Custodial Facility ng Makati City Philippine National Police (PNP) at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments