Dalawang lalaking umano’y tulak ng droga sa Muntinlupa City, arestado sa anti-illegal drug operation

26

Timbog ang dalawang lalaking umano’y tulak ng droga sa Muntinlupa City matapos isagawa ang buy-bust operation ng mga otoridad laban sa mga suspek.

Nakilala ang mga suspek na sina Neil Bryan Victoria Perez, 31-anyos at Sander Agravante Antonio alyas Toto, 21-anyos.


Nakuha mula sa suspek ang anim na gramo na shabu na may halagang 40,800 at ang perang ginamit bilang buy-bust money.

Ang nasabing operasyon ay ginagawa pasado alas-dos kaninang madaling araw sa Purok 1 Brgy. Cupang, Muntinlupa City.

Ito ay ginawa ng pinagsanib pwersa ng Station Drugs Enforcement Agency ng Muntinlupa PNP at Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakapiit na ang mga suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments