Dalawang linggong bakbakan sa Marawi, nag-iwan ng matinding pinsala

Marawi City, Philippines – Nag-iwan ng matinding pinsala ang halos dalawang linggong bakbakan ng militar at Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Lanao Del Sur Vice Governor Mamintal Adiong Jr. – napulbos ang ilang kabahayan at gusali dahil sa airstrikes at ground artillery.

Ilang kalsada rin aniya ang hindi madaanan dahil sa dami ng debris.


Dagdag pa ni Adiong – isa rin sa problema ay ilang kabahayan ang ninakawan.

Kasabay nito, patuloy din ang pagsagip sa mga residenteng naiipit sa bakbakan kung saan ang ilan ay naglakas na ng loob na tumakas at sinuong ang warzon.
DZXL558

Facebook Comments