Dalawang local firms, interesadong maging bahagi ng vaccine manufacturing industry sa bansa – DOST

41

Dalawa pang local firms ang napasama sa listahan ng potential vaccine manufacturers sa bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra na siyang pinuno ng Task Group on Vaccine Evaluation and Selection (TG-VES), nasa walo na ang potential local vaccine manufacturers.


Naghayag aniya ng interes ang dalawang bagong kumpanya na pumasok sa paggawa ng bakuna sa bansa.

Una nang sinabi ng DOST ang profile ng anim na local forms na planong pumasok sa vaccine manufacturing.

Ang isa rito ay “long-term partner” ng isang Chinese vaccine developer habang may isang kumpanya ang may koneksyon sa isang vaccine developer sa Germany.

May isa ring kumpanya na may malawak na pasilidad sa Asya.



Facebook Comments