Dalawang magkaibigan, arestado sa iligal na droga sa Maynila

33

Hindi na nakapalag pa amg dalawang lalaki matapos silang masakote ng pulisya dahil sa iligal na droga sa Sta. Mesa, Maynila.

Nakilala ang nadakip na sina Edson Ubago at Jay-Jay Canardo.


Napag-alaman na target ng pulisya si Jay-Jay na nasa drug watchlist ng Sta. Mesa police station kung saan nakita ito na nakatamhay sa Baldivino Street, Barangay 594 sa Sta Mesa.

Tiyempo naman na kasama nito si ubago na runner ni Jay-Jay kaya at nang makorner ito ng mga pulis ay nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng shabu na may bigat na kalahating gramo at nagkakahalaga ng P3,400.00.

Aminado si jay-jay na nagtutulak ng droga para kumita habang todo tanggi si Ubago sa mga akusasyon.

Facebook Comments