Dalawang masugid na tagapakinig ng DZXL 558, nakatanggap ng prepaid home WiFi

16

Natanggap na ng dalawang winners ng “WiFi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” week 3 draw ang kanilang napanalunang prepaid home WiFi.

Mismong anchors ng programang Laughter is the Best Magazine Show ang naghatid ng premyo sa kani-kanilang mga bahay.

Ngayong araw ay pinuntahan ng LBMS team si Jayson Carilla ng Caloocan City at Marieta Ombac ng Quezon City na parehong masugid na tagapakinig ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Anila, malaking tulong ang WiFi sa kanilang mga anak lalo’t distance learning na ang sistema ngayon sa pag-aaral at nangangailangan talaga ng internet connection.

Sa ngayon, anim na mga tagapakinig na ang nakatanggap ng libreng WiFi mula sa week 1, 2 at 3 draws.

Ang “WiFi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” ay isa sa mga programa ng DZXL 558 na layong makatulong sa mga nangangailangan ng internet sa pagwo-work from home, pag-o-online class at iba pa.

Sa mga nais pang makasali, tumutok lang lagi sa mga programa ng DZXL 558 at tumawag sa DZXL hotline 8882-2376 o bisitahin ang RMN DZXL 558 Manila Facebook page at sundin ang mechanics.




Facebook Comments