Dalawang milyong dagdag na bakuna, inilaan sa NCR

35

Handa ang pamahalaan na maglaan ng karagdagang dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccines sa Metro Manila para maprotektahan ang mga residente mula sa nakakahawang Delta variant.

Matatandaang humiling ang National Capital Region (NCR) mayors ng karagdagang apat na milyong bakuna para mapabilis ang kanilang immunization efforts.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring mag-commit si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ng dagdag na bakuna, kalahati mula sa hinihingi ng Metro Manila mayors.

Pagtitiyak ni Roque na dadagdagan ang vaccine supply sa Metro Manila at iba pang lugar lalo na at maraming inaasahang delivery sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments