DALAWANG MIYEMBRO NG ANAK PAWIS, KUSANG SUMUKO SA MGA AWTORIDAD

23
Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Anak Pawis sa North Center, Alcala, Cagayan ngayong araw, Agosto 26, 2022.

Kinilala ang mga sumuko sina alyas Jona, 51-taong gulang, magsasaka at alyas Karen, 49-taong gulang na parehong residente ng Brgy. Agani, Alcala, Cagayan.

Batay sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Police Provincial Office, bago sumuko, aktibo ang dalawa sa pagsali at pagsagawa ng mga “rally”, demonstrasyon, at mga pagpupulong.

Ayon sa kanila, nakumbinsi silang sumali sa kilusan nina Ka Delilah at Isabelo Adviento (Ka Buting) noong 2018.

Nakumbinsi silang sumuko sa pamahalaan ng pinagsanib na pwersa ng Alcala Police Station, Regional Group of Special Concern- Police Regional Office 2, 3rd Mobile Force Platoon- 1st Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit, at Provincial Intelligence Unit, Cagayan Police Provincial Unit.

Facebook Comments