Dalawang miyembro ng Rizal Provincial Security Division, arestado sa pamemeke ng resulta ng COVID-19 test results sa Antipolo City

67

Bumagsak na sa kamay ng Antipolo Philippine National Police (PNP) ang dalawang miyembro ng Rizal Provincial Security Division makaraang ireklamo sa pamemeke ng COVID-19 result Test sa Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnel Perocho at Edgar Juanillo na nasakote ng mga operatiba ng Antipolo City Police Station sa isinagawang entrapment operation sa kahabaan ng Sumulong Extension, Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Agad inaresto ang mga suspek makaraang humingi ng tulong sa mga pulis ang mga biktima tungkol sa ginawang pamemeke ng resulta ng COVID-19 test.

Narekober mula sa mga suspek ang marked money na nagkakahalaga ng Php 3,400, fake COVID-19 test results at motorsiklo.

Sinampahan ng kasong robbery extortion and falsification of documents ang naturang mga suspek at nakapiit na sa Antipolo City Police Station Custodial Facility habang inaantay ang inquest proceedings.

Facebook Comments