Wednesday, June 10, 2026

Dalawang Most Wanted Person, naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay at Las Piñas City

Nakaditine na sa pasilidad ng Pasay at Las Piñas City Police Station ang dalawang most wanted person ng Southern Police District (SPD) para sa buwan ng Hunyo.

Ang unang suspek ay naaresto sa manhunt sa Malibay Street, Brgy. 177, Pasay City ay si alyas Nazario, 35 years old.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Jehan Batua Sampao-Hassiman, Presiding Judge ng Family Court, Branch 11, Pasay City dahil sa kasong paglabag sa dalawang kasong paglabag RA 7610 Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

May inirekomenda namang piyansa ang korte na P200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Samantala, naaresto rin kahapon ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police Station si alyas Avail, 68 years old na residente Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Harold Cesar C Huliganga ng Regional Trial Court, Branch 254, Las Piñas City dahil sa kasong Sexual Abuse.

Nakaditine na ang suspek sa Station Custodial Facility ng Las Piñas City Police Station, Brgy. Pamplona 3, Las Piñas City habang hinihintay ang commitment order mula sa korteng nag-isyu ng warrant of arrest.

Facebook Comments