DALAWANG MOST WANTED SA KASONG RAPE, ARESTADO SA ILOCOS NORTE AT PANGASINAN

Arestado ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na operasyon sa Ilocos Norte at Pangasinan.

Sa San Nicolas, Ilocos Norte, nahuli ng mga tauhan ng San Nicolas Police Station katuwang ang Regional Intelligence Unit at iba pang yunit ng pulisya ang 22-anyos na lalaki na itinuturing na Top 4 Regional Most Wanted Person dahil sa kasong statutory rape. Wala itong inirekomendang piyansa.

Samantala, sa Pozorrubio, Pangasinan, nadakip ng Pozorrubio Police Station ang isang 19-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng municipal most wanted persons dahil sa kasong rape, na wala ring piyansa.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang dalawang suspek para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso sa korte.

Patuloy namang pinaigting ng pulisya ang operasyon laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Facebook Comments