Arestado sa ikinasang operasyon ng awtoridad ang dalawang most wanted sa La Union at Pangasinan.
Naaresto ng Aringay Municipal Police Station sa La Union ang ikatlong Most Wanted Person ng lalawigan na isang 21-anyos na lalaki na may kasong Homicide.
Sinilbihan din ng warrant of arrest ng labrador municipal police station para sa dalawang kaso ng paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 ang isang 20-anyos lalaki na residente ng Barangay Libsong East, Lingayen na ika-anim na most wanted sa Pangasinan.
Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga operatiba ng pulisya na nagsagawa ng operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments