
Sugatan ang dalawang motorcycle rider matapos magbanggaan ang kanilang mga sasakyan sa kahabaan ng national road sa Barangay Poblacion, Mapandan, Pangasinan, alas dose y media kaninang madaling araw, Marso 5, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, kapwa binabagtas ng dalawang motorsiklo ang silangang bahagi ng kalsada nang mawalan umano ng kontrol ang rider sa likuran at mabangga ang motorsiklong nasa unahan nito.
Dahil sa insidente, kapwa nagtamo ng mga sugat ang dalawang driver at agad na isinugod sa ospital para sa gamutan.
Nagkaroon din ng pinsala ang mga motorsiklo at dinala sa Mapandan Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Facebook Comments










