Dalawang motorsiklo aksidenteng nagbanggaan, 1 patay, 2 sugatan

11

Tangalan, Aklan – Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo kagabi sa national highway ng Sitio Bili, Brgy. Pudiot, Tangalan, Aklan. Ang namatay ay kinilalang si Romar Roldan, 42-anyos residente ng Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc, Malay habang ang mga sugatan ay ang mag-amang sina Roland Macahilig at Rodolfo Macahilig, lahat residente ng Sitio Cabulihan, Brgy. Pudiot. Ayon kay PMsg. Ramon Remus Sandig ng Tangalan PNP at imbestigador sa nasabing aksidente na basi sa kanilang imbestigasyon at basi rin sa nakasaksi na nakamotorsiklong sumusunod kay Roldan ay walang ilaw ang sinasakyang motorsiklo ng mag-ama galing sa Sitio Bili pababa at tumawid sa national highway papuntang direksyon ng Poblacion, Tangalan habang si Roldan ay papuntang Kalibo ang direksyon na naging dahilan ng aksidente. Posible ayon kay PMsg. Sandig posibleng hindi napansin ni Roldan ang nakamotorsiklong mag-ama dahil sa madilim. Nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan ang tatlo matapos ang aksidente. Nag responde sa lugar ang MDRRMO at Tangalan PNP at dinala sa ospital ang mga biktima pero mga bandang alas 8:00 kagabi ay binawian ng buhay si Roldan habang ginagamot, habang ang mg-ama ay patuloy namang ginagamot ngayon. Sa ngayon ay patuloy pa ginagawang imbestigasyon ng Tangalan PNP dito.

Facebook Comments