Dalawang nagbebenta ng iligal na armas na nakipagbarilan sa mga pulis, patay sa Pililla, Rizal

76

Dead on the spot ang dalawang nagbebenta ng mga iligal na baril matapos na makipagbarilan sa mga pulis nang magsagawa ng buy-bust operation sa Sitio Kawayan farm, Brgy. Halayhayin, Pililla, Rizal.

Kinilala ang suspek na nasawi na sina Jake Pingal Anden at hindi pa nakilalang kasamahan nito.


Ayon kay Pililia Chief of Police P/Maj. Joel Custodio, ipinaalam ng Anti-Kidnapping Group ng Camp Crame sa mga tauhan ng Pililla Philippine National Police (PNP) hinggil sa transkasyon ng mga suspek sa pagbebenta ng mga armas.

Agad na nagtungo ang mga Intelligence Group sa nasabing lugar kung saan nakipagkita sa dalawang suspek at nang iaabot na ang caliber .45 firearms sa mga pulis, natunugan nilang paparating na ang mga back-up ng mga pulis kaya’t inunahan na nilang paputukan ang mga operatiba ng AKG at Pililla PNP pero gumanti rin ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ni Anden at hindi pang nakilalang kasamahan nito.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang limang pirasong caliber .45, isang carnap na motorsiklo at buy-bust money.

Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang mga otoridad at inaalam kung anong grupo at sinu-sino ang iba pang mga kasamahan ng mga napatay na suspek.




Facebook Comments