Dalawang nagpakilalang NPA kabilang ang isang LGBT, Huli sa Pangingikil sa Cagayan

289

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang katauhan ng dalawang katao na nagpakilalang miyembro ng New People’s Army na nangingikil ng mga pagkain sa mga sari-sari store sa Bayan ng Gattaran, Cagayan.

Ayon kay 1LT. Allen Tubujan, Civil Military Officer ng 17thIB, isinailalim na sa interogasyon ang dalawa na hindi na muna pinangalanan matapos na magpakilala na mga NPA upang malaman ang kanilang tunay na pagkatao.


Nahuli ang dalawa sa Brgy. Tanglagan, Gattaran, Cagayan.

Paliwanag pa nito na mayroon ng naunnag ginawang pangingikil sa Brgy. Mabuno at lumipat lamang sa Brgy. Tanglagan na magsasagawa rin sana ng pangingikil.

Napag alaman pa na miyembro ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT) ang lalaki na pawang tubong Baggao at ang isa ay sa Gattaran.

Sinampahan na ng kasong robbery with intimidation against person ang dalawang nagpakilalang NPA.

Facebook Comments