Dalawang natitirang laro ng Philippine team sa FIBA 3×3 World Cup – crucial games para sa koponan

16

FIBA – “Crucial games” para sa national team ng Pilipinas ang dalawang natitira nitong laban sa 2017 FIBA 3×3 World Cup sa France.

Nabatid na dalawang koponan lang ang maaaring makapasok sa next round ng FIBA kung kaya’t dapat na maipanalo ng Pilipinas ang natitira nitong mga laro.

Kasalukuyan kasing nasa ikatlong puwesto ang team Pilipinas matapos na matalo kahapon ng France.

Bukas nang madaling araw, magkasunod na makakalaban ng national team ang Slovenia at El Salvador.

Samantala sa NBA, out na bilang General Manager ng Cleveland Cavaliers si David Griffin na magtatapos ang kontrata sa June 30.

Wala pang anunsyo kung sino ang papalit kay Griffin.

Facebook Comments