Dalawang OFWs, nagpositibo sa COVID pagdating sa Hong Kong

Dalawa na namang Filipino workers ang kabilang sa siyam na nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong.

Ang mga Pinay na dumating sa Hong Kong sakay ng Cathay Pacific ay natuklasang positibo sa virus habang naka-quarantine doon.

Sila ay kapwa fully vaccinated din bago umalis ng Pilipinas.


Ang isa sa OFW na 29 anyos ay nabakunahan sa Pilipinas ng Pfizer habang ang 38 anyos na Pinay ay naturukan ng Moderna.

Kabilang din sa imported cases ngayon sa Hong Kong ay mula Russia, Egypt, India, Canada at Maldives.

Una na ring nagpahayag ng pagkadismaya ang Hong Kong Union of Employment Agencies sa kapasidad ng ilang COVID-19 testing institutions sa Pilipinas.

Sa harap ito ng halos araw-araw na pagkakaroon ng OFW na nagpopositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong.

Facebook Comments