Dalawang opisyal ng DOH, sinibak ng Malacañang

Tinapos na ng Malacañang ang panunungkulan ng dalawang opisyal sa Department of Health (DOH).

Sa ipinadalang liham ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Health Sec. Ted Herbosa nakasaad na nag-expire na ang termino ni Ariel Valencia bilang assistant secretary ng DOH.

Tinapos na rin ang extension ng serbisyo ni Jaime Bernadas bilang Director IV ng DOH.

Kaugnay niyo, inatasan DOH na tiyakin ang maayos na turnover ng mga dokumento at impormasyong sa opisina ni Valencia at Bernadas.

Facebook Comments