Dalawang pagsabog naitala sa AOR ng Kampilan Division, 2 Sundalo wounded

Dalawang sundalo ang naging sugatan sa nangyaring pagsabog sa Brgy Bakat sa bayan ng Rajah Buayan Maguindanao pasado ala una ng hapon ng August 19.
Sa naging panayam ng DXMY kay Lt. Col Edwin Alburo Spokesperson ng 6th Infantry Kampilan Division, nagsasagawa ng clearing operation ang mga lemento ng 57th IB ng mangyari ang explosion.
Sinasabing may sangkap na mga pako ang IED na sumabog. Kasalukuyang nasa ligtas na ring sitwasyon ang 2 sundalong naging sugatan na kinabibilangan ng isang PFC at Army Sergeant.
Samantala , isa ring pagsabog ang naitala sa bahagi ng Brgy. Brar Datu Anggal Midtimbang pasado alas syete gabi ng August 19. Bagaman walang may nasaktan, bahagyang nabalam ang mga motorista bunsod na rin sa pagkakarecober pa ng isa pang IED dagdag pa ni Col. Alburo.
Inaalam pa kung sino ang mga responsable sa magkahiwalay na insidente.
Patauloy naman ang paghimok ng Kampilan Division sa publiko na makipagtulungan para sa pagpapanatili ng katiwasayan. Habang patuloy ring nakaalerto ang mga otoridad kontra sa banta ng mga armado.

Facebook Comments