Dalawang pasyenteng positibo sa COVID-19 sa Mandaluyong City, pumanaw na ayon sa Health Department ng lungsod

63

Muling tumaas ang bilang ng mga nasawing pasyenteng positibo sa COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong na dulot ng virus.

Batay sa tala ng Health Department ng lungsod, ngayong araw nasa 179 na ang kabuuang bilang ng binawian ng buhay na positibo sa COVID-19, matapos madagdagan ito ng dalawa kagabi.


Ang dalawang pasyenteng nasawi ay mula sa Barangay Barangka Drive at Barangay Hadgan Bato Libis.

Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay umabot na sa 6,087 matapos naman madagdagan ito ng 21 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 5,779 nito ay bilang ng mga gumaling na sa naturang sakit at ang 129 naman ay bilang ng active cases na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

Facebook Comments