Dalawang Pilipinong mangingisda, nailigtas ng mga Vietnamese sa West Philippine Sea

97

Na-rescue ang dalawang mangingisdang Filipino sa Pugad Island, West Philippine Sea makaraang magkaproblema ang kanilang bangka.

Kinilala ang mga ito na sina Benjamin Jimlan Abdulla at Crisanto Civillia Misa.

Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines o AFP Western Command (Wescom), natangay ng malakas na hangin patungong timog-kanluran ang mga mangingisda habang palutang-lutang ang bangkang kanilang sinasakyang nang magkaproblema ito sa makina.


Maswerte naman na nasagip sila ng Vietnam Fisheries Resources Surveillance (VFRS) kung saan agad silang binigyan ng pagkain, damit at ginamot ang mga mangingisda.

Nagpasalamat naman si AFP Wescom Commander Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez sa mga Vietnamese sa ibinigay na humanitarian assistance sa mga mangingisda.

Facebook Comments