Dalawang pinakamataas na opisyal sa lalawigan sa Sugbu, sumama sa oplan tokhang ng kapulisan

77

Cebu, Philippines – Sumama sa oplan tokhang ng Philippine National Police sina Cebu Governor Junjun Davide at Vice Governor Agnes Magpale ngayong araw sa ibat-ibang munisipalidad sa Cordova.

Ito ang unang pagkakataon na sinaksihan ni Davide at Magpale ang oplan tokhang ng PNP sa pamumuno ni Cebu Provincial Police Office –Chief, Sr. Supt. Eric Noble =, kapulisan sa bayan ng Cordova at mayor nito na si Mary Therese Sitoy-Cho.

Hindi lang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga ang gustong makita nina Davide at Magpale kung hindi pati na ang kampanya laban sa cyber pornography sa nasabing bayan kung saan ilang operasyon na rin ang nailunsad laban sa mga gumagawa ng cybersex operation.

Namigay rin ang kapulisan ng mga stuffed toys sa mga kabataan na nabisita sa kanilang operasyon.
Nation”

Facebook Comments