Dalawang PNP personnel ng Malay PNP naaksidente, isa angpatay

21

Kalibo, Aklan – Patay ang isang miyembro ng PNP na naka assign sa Malay PNP matapos na maaksidente kaninang alas 7:00 ng umaga sa national highway ng Brgy. Fulgencio, Balete, Aklan.
Nakilala ang namatay na ni Patrolman Genesis Javil, 27-anyos at residente ng Camburanan, Tapaz, Capiz habang sugatan naman ang backrider nitong si Patrolman Jay Michael Jay Handay, 25-anyos, residente ng Agsirab, Dumarao, Capiz, parehong detached service sa Police Community Precinct Station 2, Balabag, Malay, Aklan.
Base sa report ng Balete PNP, na sakay ng motorsiklo na KTM 390 Duke ang dalawa galing sa Capiz papuntang isla ng Boracay para na mag duty pero pagdating sa pa kurbada na bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo si Javil dahilan para sila ay ma-aksidente.
Isinakay ang dalawa sa tricycle at dinala sa pribadong hospital sa bayan ng Kalibo pero binawian ng buhay si Javil habang ginagamot, minor injury naman ang natamo ni Handay at out-patient ito.

Facebook Comments