Dalawang police stations sa Botolan, Zambales, sinalakay ng NPA

235

Manila, Philippines – Sinalakay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dalawang police station sa Botolan, Zambales.

Unang sinalakay ang platoon base ng 2nd maneuver ng PNP-Public Safety Company sa barangay taugtong kaninang alan una nang madaling araw.

Gayunman, ayon kay police Sr/ Supt. Christopher Mateo ng Zambales PNP – bigong mapasok ng mga ang naturang police base dahil na rin sa mahigpit na seguridad ng mga pulis doon.


Dakong ala 1:15 naman kaninang hapon nang tinangka ring salakayin ng limang armadong kalalakihan ang Botolan police station.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa mga sumalakay na rebelde.

Wala namang nasaktan o nasawi sa nasabing engkwentro.



Facebook Comments