Dalawang pulis, dinukot ng NPA sa Surigao Del Norte

33

Manila, Philippines – Dinukot ng hinihinalang miyembro ng New Peoples Army ang dalawang pulis sa Surigao Del Norte kahapon ng tanghali.

Ang dalawang pulis ay nakatalaga sa Placer Municipal Police Station.

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Spokesman Major Ezra balagtey ala-1:35 ng tanghali kahapon habang naka-duty ang dalawang pulis sa may bahagi ng Bad-as Public market Placer Surigao Del Sur nang sapilitan silang tangayin ng nasa 20 miyembro ng New Peoples Army.

Agad na tumakas ang mga armadong rebelde sa di matukoy na direksyon bitbit ang dalawang pulis.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng militar at pulisya laban sa mga suspek sa pagdukot.

Facebook Comments