
Pinuri ni Quezon City Police District Director Col. Randy Glenn Silvio ang dalawang pulis na tumulong sa pagpapaanak ng isang buntis sa Balintawak sidewalk sa Barangay Balingasa, QC kahapon.
Kinilala ni Silvio na ang mga pulis na mabilis na rumisponde sa sitwasyon ay sina PMSgt. Dondon Sultan at
Pat. Alhambra Kamir Upam.
Bandang 5:01 a.m. kahapon nang abutan ng pag-labor sa sidewalk sa Barangay Balingasa ang buntis.
Nagkataong nagpapatrolya ang apat na pulis at nagkataong may kaalaaman din sa pagpapaanak sina PMSgt. Dondon Sultan at Pat. Alhambra Kamir Upam kung kaya’t mabilis silang tumulong habang hindi pa ito nadadala sa ospital.
Nasa ligtas nang kalagayan ang babae at malusog naman ang sanggol nito.
Pinuri naman ng mga netizen ang ipinakitang kabayanihan ng mga pulis.
Patunay ito na hindi lamang sa laban kontra krimen maasaha ang mga pulis, kundi maging sa mga hindi-inaasahang pangyayari.