Dalawang pulis na namalo ng mga sibilyan, sinampahan na ng kasong administratibo

458

Manila, Philippines – Sinampahan na ng kasong admistratibo ang dalawang pulis na nakuhaan ng video na namamalo ng mga sibilyan sa Mandaluyong City.

Sa naging viral video, makikita ang pambubugbog gamit ang yantok nina PO1 Jose Julius Tandog at isa pang police officer na si Chito Enriques sa dalawang kalalakihan na kanilang hinuli dahil lamang sa pag-inom ng alak sa labas ng bahay sa dis-oras ng gabi.

Bukod dito, binantaan rin ng dalawang pulis na babarilin ang mga hindi biktima.


Narinig din sa video ang pagbabanta na papuputukan ang mga biktima kapag lumapit ang mga ito.

Ayon kay Mandaluyong Police Chief Joaquin Alva, agad niyang pinatawan ng temporary dismissal sina Tandog at Enriques na nahaharap sa kasong criminal at admistratibo.

Pinapirmahan naman ang dalawang pulis ng dokumentong magpapatunay na sasagutin nila ang lahat ng pagpapagamot ng mga biktima.



Facebook Comments