Dalawang sakay ng motorsiklo, sugatan matapos mabundol ng jeep sa Maynila

115

Sugatan ang dalawang magka-angkas sa motorsiklo matapos silang mabangga ng pampasaherong jeep sa intersection ng Alvarez at Felox Huertas Street, Barangay 320 sa Maynila.

Sa kuha ng CCTV camera ng barangay 320, binabaybay ng motorsiklo ang Alvarez Street, habang nasa Felix Huertas naman ang pampasaherong jeep at nangpang-abot ang mga ito sa intersection.


Sa lakas ng pagkkabangga, tumilapon ang rider at angkas nito habang kinaladkad ng jeep ang motor na kumalso na sa harapan ng jeep.

Agad namang ni-rescue at isinugod sa ospital ng mga tauhan ng barangay ang dalawang nasugatan na sakay ng motorsiklo na mag-asawang Regie at Gina Altoberos.

Ang babae ay nagtano ng fracture sa binti matapos magulungan ng jeep pagkabagsak nito.

Ayon sa barangay executive officer na si Rolly Andes, ang Felix Huertas Street ay para lang sa mga jeep na biyaheng Recto-Tayuman, habang ang mga malinta-santa cruz na ruta ay dapat sa Rizal Avenue.

Ayon sa driver ng jeep na si Randy Dela Cruz, umiwas lang sya sa traffic sa Rizal Avenue kaya dumaan sa Felix Huertas.

Facebook Comments