Dalawang SK Chairman sa City of Ilagan, Tatanggap ng ‘Gintong Parangal’

12
Cauayan City, Isabela- Nakatakdang tumanggap ng Gintong Parangal ang dalawang SK Chairperson mula sa Barangay Alinguigan 2nd at Sta. Catalina sa City of Ilagan sa darating na buwan ng Agosto sa Okada, Manila.

Isa si Bryan Lucas Malenab ng Alinguigan 2nd na hinirang na ‘Most Exemplary Young Public Servant and Inspiring Youth Advocate for Competent Governance and Effective Leadership’ at Melvin Adorable ng Sta. Catalina na pararangalan bilang ‘Most Exemplary SK Chairman and empowered advocate for youth’s welfare award’.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Adorable, labis ang kanyang saya matapos mapili sa mga tatanggap ng parangal sa kabila ng sakripisyo na maging isang modelong kabataan sa kanilang lugar.

Ayon pa sa kanya, hindi lang ito tagumpay ng kanyang sarili kundi tagumpay ng Sta. Catalina, City of Ilagan at Isabela.

Nagbigay aniya ito sa kanya ng inspirasyon at motibasyon para maging isang magandang halimbawa ng iba pang mga kabataan.

Dagdag pa niya, pagpapakita rin ito na maganda ang pamumuno ng City council dahil sila ang nagsisilbing inspirasyon ng mga kabataan kasabay ng pasasalamat sa Poong maykapal.



Hinimok naman nito ang kapwa kabataan na magsilbing inspirasyon ang katayuan sa buhay para sa mas magandang buhay.

Facebook Comments