Dalawang snatcher, arestado sa Pasig City

39

Nanawagan ngayon ang Pasig City PNP sa ibang nabiktima ng dalawang snatcher na naaresto sa R. Jabson Street, Brgy. Bambang, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Christopher De Luna, 23-anyos at kasabwat nitong si alyas Erwin, 17-anyos.


Sa imbestigasyon, sabay na sumakay ng jeep ang mga suspek at bigla na lamang hinablot ni De Luna ang cellphone ng hindi na nagpakilalang biktima kung saan ipinasa niya ito sa menor de edad na kasabwat.

Pero nasundan ng biktima si De Luna kaya’t nang humingi ito ng tulong sa mga pulis ay agad siyang nadakip.

Napilitan naman ituro ni De Luna si alyas Erwin at nang madakip ito ay nabawi ng pulisya ang cellphone ng biktima.

Desidio naman ang biktima na kasuhan ang mga suspek at dahil dito, umaasa ang pulisya na may iba pang lulutang para ireklamo ang dalawang kawatan.

Facebook Comments

From Advertisers