Dalawang bagong steel footbridge ang itinayo sa Barangay Saleng, Tayug bilang kapalit ng mga lumang tawirang kahoy na matagal nang ginagamit ng mga residente sa lugar.
Layunin ng proyekto na mapabuti ang kaligtasan ng mga mamamayan, lalo na sa pagtawid sa mga bahagi ng barangay na may ilog at iba pang dinaraanan ng tubig.
Ayon sa lokal na pamahalaan, malaking tulong ang mga bagong footbridge upang maging mas maayos at mas ligtas ang araw-araw na pagdaan ng mga residente, kabilang ang mga mag-aaral at manggagawa.
Dinaluhan ng mga opisyal ng barangay at mga residente ang isinagawang pagbabasbas at pagpapasinaya ng naturang mga footbridge. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










