Dalawang SUV, Nagsalpukan sa Maharlika Highway ng Cauayan City!

35

Cauayan City, Isabela – Dalawang SUV ang nagsalpukan kahapon matapos mag-over take ang isang sasakyan na sinusundan nito.

Kinilala ang drayber ng toyota vios na si Nestor Lumanas na residente ng Mandaluyong City Metro Manila, samantalang kinilala ang isa pang drayber ng toyota fortuner na si Mark Aldrei Bautista, rersidente ng Roxas Naguilian, Isabela.

Sa imbestigasyon ng City Police Station, binabaybay umano ng parehong sasakyan ang hilagang bahagi ng Maharlika Highway sa District 2 nang mag over take si Lumanas na dahilan naman upang mabangga ang kasunod na sasakyan.

Sa resulta ng pangyayari, nagtamo ng hindi pa matukoy na pinsala ang dalawang sasakyan na agad namang nagkaaregluhan.

Facebook Comments