Dalawang tambay sa Mandaluyong City, arestado sa paglalaro ng “Cara y Cruz”

64

Hinuli ng mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station ang dalawang lalaking tambay matapos na maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz sa Welfareville Compound, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

KiniIala ang dalawang naaresto na sina Arnold Baquirin, 23-anyos at Danfer Alvarado, 25-anyos.


Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), nagsasagawa ng Oplan Galugad o Bulabog ang mga pulis sa nasabing barangay nang maaktuhan ang ilang indbidwal na naglalaro ng Cara y Cruz.

Nagsitakbo ang mga ito pero dalawa sa kanila naabutan ng mga pulis.

Sa ngayon, nakakulong na sila sa Mandaluyong City Police Station at nahaharap na sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602.

Facebook Comments