Dalawang tao, arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Parañaque Station Drug Enforcement Unit

29

Parañaque City – Arestado ng mga tauhan ng Parañaque Station Drug Enforcement Unit ang dalawang katao matapos magsagawa ng magkahiwalay na buy bust operation ang mga otoridad sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga naaresto na sina Kenneth Mercado, 27 anyos, residente ng 20th Street Barangay Sto. Niño; at Rolando Afable, 33 anyos, contruction worker residente ng Manggahan 1 Brgy. Merville, Parañaque City.

Ayon kay Parañaque Station Drug Enforcement Unit Sr. Inspector Reggie Dimalanta, unang naaresto ay si Mercado na nahulihan ng dalawang sachet ng shabu sa kanilang lugar at sinunod na inaresto sa isinagawang buy bust operation ay si Afable na nakumpiskahan ng apat na sachet ng shabu.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa sa dalawang pinaghihinalaang tulak sa iligal na droga.

Facebook Comments