Dalawang tao patay, matapos sumalpok ang isang truck sa junk shop sa Teresa, Rizal

84

Agad na binawian ng buhay ang driver ng trailer truck at ang dating barangay captain matapos na mawalan ng preno at sumalpok ang 40-footer container van sa isang junk shop sa E. Rodriguez Ave., Brgy. May-Iba, Teresa, Rizal.

Kinilala ang mga biktima na sina Alberto Bautista, 66-anyos, negosyante at dating brgy. captain ng Brgy. Sagad, Pasig City, at residente ng E. Rodriguez Ave., Brgy. May-Iba, Teresa, Rizal, habang nasawi rin ang driver ng truck na si Jetro Marcellones, 38-anyos, residente ng Bautista St. Mapulang Lupa, Valenzuela City.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Marcellones ang kanyang 40- footer container van mula Antipolo City papuntang Morong, Rizal, pagdating sa E. Rodriguez Ave., Brgy. May-Iba, Teresa, Rizal nawalan umano ng control ang trailer truck at sumalpok sa junk shop na pagmamay- ari ng biktima kung saan natutulog lamang nang mangyari ang aksidente.

Naisugod pa sa pagamutan ang driver ng truck pero binawian din ng buhay.

Facebook Comments