Monday, July 20, 2026

DALAWANG TULAK TIMBOG SA MAGKAHIWALAY NA BUY-BUST OPERATION SA PANGASINAN

Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng mga awtoridad sa mga bayan ng Mabini at Calasiao sa madaling araw ng June 9, 2026.

Sa bayan ng Mabini, naaresto ang isang 41 anyos na magsasaka matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Mabini Municipal Police Station (MPS) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1).

Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 1.74 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na P11,832.

Samantala, arestado ang isang 36 anyos na drayber at residente ng Manaoag, Pangasinan sa isinagawang buy-bust operation ng Calasiao MPS sa koordinasyon din ng PDEA RO1.

Nasamsam mula sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng kabuuang 1.26 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may SDP na P8,568. Bukod dito, nakumpiska rin ang buy-bust money boodle money, at iba pang ebidensya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang dalawang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments