Dalawang variant ng COVID-19, posibleng dapuan ang isang tao – DOH

135

Maaaring magpositibo ng magkasabay ang isang tao sa dalawang variants ng COVID-19.

Partikular na tinutukoy ng Department of Health (DOH) ang variants ng coronavirus sa United Kingdom at South Africa.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinabi ng mga eksperto na mayroong posibilidad na dumapo ang dalawang klaseng variants ng COVID-19 sa tao.

Pero nilinaw ni Vergeire na wala pang naiuulat sa bansa na ganitong kaso.

Sa ngayon, nasa 17 kaso pa lamang ng variant ang naitatala sa bansa, 12 dito ay mula sa Bontoc, Mountain Province.

Facebook Comments