Dalawang wanted arestado sa magkahiwalay na kaso at lugar

18

Kalibo, Aklan – Arestado ang dalawang wanted kahapon sa magkahiwalay na kaso at lugar. Inaresto ng mga kapulisan si Christian Caban, 21-anyos ng Sitio Mapait, Brgy. Aranas, Balete sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 6768-B sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide na inisyu ni Hon. Eva Vita V. Taay-Tejada, Presiding Judge, MCTC 6th Judicial Region, Altavas-Balete. Nagrekomenda ng P 60,000.00 na piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Balete PNP at nakatakda namang iturn-over sa korte. Samantala, naaresto rin kahapon ng mga taga Aklan PPO Trackers Team at San Jose de Buenavista PNP ang isa ring wanted na si Arnel Ligutom, 29-anyos ng Funda Dalipe, San Jose De Buenavista, Antique sa kasong Frustrated Homicide. Inaresto si Ligutom sa pamamagitan ng bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 10588 na inisyu ni Hon. Ronald H. Exmundo, Presiding Judge, RTC-6, Branch 4, Kalibo, Aklan na may petsang Nobyembre 27, 2012. P 24,000.00 naman ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Si Ligutom ay nakatakda ring iturn-over sa korte.

Facebook Comments