Wednesday, August 19, 2026

DALAWANG WANTED PERSON, TIMBOG SA KASONG SLIGHT PHYSICAL INJURIES SA SAN CARLOS CITY

Dalawang indibidwal na kapwa may kinahaharap na kasong Slight Physical Injuries ang naaresto ng mga operatiba ng San Carlos City Police Station sa isinagawang manhunt operation sa lungsod.

Ang mga naaresto ay pawang residente ng San Carlos City na may edad na 20 at 49 taong gulang. Inaresto ang mga ito sa bisa ng Bench Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Slight Physical Injuries.

Matapos ang kanilang pagkakaaresto, dinala ang dalawang akusado sa San Carlos City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa kinauukulang hukuman.

Ayon sa pulisya, ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person sa lungsod.

Patuloy umanong magsasagawa ang San Carlos City Police Station ng masusing operasyon upang matiyak ang pagpapatupad ng batas at mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments