Dalawang lalaki na kapwa nahaharap sa kasong pagnanakaw ang naaresto ng mga operatiba ng Dagupan City Police Office (CPO) sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod noong Hunyo 8, 2026.
Ayon sa ulat, sa unang operasyon sa Barangay Pogo Chico, isang 29-anyos na lalaki na residente ng naturang barangay ang inaresto ng mga kapulisan.
Makalipas ang ilang oras, nadakip naman sa Barangay Mayombo ang isa pang 29-anyos na lalaki na residente ng Barangay Caranglaan sa isinagawang operasyon ng Dagupan Police Station 2 katuwang din ang CIDMU at CIU.
Ayon sa pulisya, kapwa inaresto ang dalawang suspek sa bisa ng magkahiwalay na warrant of arrest para sa kasong theft o pagnanakaw na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱10,000 bawat isa.
Dinala ang dalawang naarestong indibidwal sa Dagupan City Police Office para sa wastong proseso.
Kalaunan ay nakapagpiyansa ang mga ito para sa kanilang pansamantalang kalayaan habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kanilang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








