DALUYAN NG TUBIG NA NAGMUMULA SA MGA ESTABLISYIMENTO SA SAN JUAN LA UNION, TINIYAK

Pinasinayaan sa Brgy. Sinapangan, San Juan La Union ang isang Septage Treatment Plan upang tiyakin na may tamang daluyan ang maruming tubig na nagmumula sa mga establisyimento.

Ayon sa La Union Provincial Environment and Natural Resources, tugon sa tumataas na volume ng wastewater sa bayan ang ipinatayong planta upang matiyak na dumidiretso sa mga anyo ng tubig o sa mga irigasyon.

Dumaan sa feasibility study ang proyekto bilang suporta sa malagong turismo ng San Juan na kilala bilang “Surfing Capital of the North” Dahilan ng pagsulputan ng mga business establishments.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang suporta sa mga environmental protection upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente at turista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments