DAMAY | Health Secretary Paulyn Jean Ubial, posible ring mapanagot sa Dengvaxia controversy

27

Manila, Philippines – Posibleng isama sa report ng Senate Blue Ribbon committee si dating Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Ubial na isa sa mga may pananagutan sa kinukwestyong Dengvaxia immunization program.

Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, maaring managot si Ubial dahil itinuloy nito ang vaccination program sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Giit pa ni Gordon, magsisilbing aral na ito para sa DOH upang hindi na maulit ang mga ganitong programa.

Inirerekomenda rin ng komite na kasuhan sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Magugunitang sinabi ni Ubial na gusto niyang ipatigil ang immunization program pero nakaramdam siya ng pressure sa ilang mambabatas na ituloy ito.

Facebook Comments