Daniel Matsunaga, nilinaw ang ilang isyu kaugnay ng breakup nila ni Erich Gonzales

Manila, Philippines – Nilinaw ni Daniel Matsunaga ang ilang isyu kaugnay ng breakup nila ng aktres na si Erich Gonzales.

Matatandaang madalas tikom ang bibig ni Daniel nang pumutok ang balita tungkol sa paghihiwalay nila.

Say ni Daniel, wala siyang pagkakautang sa kaniyang dating girlfriend.


Aniya, sixteen years old pa lang siya nang simulan niyang rumaket para magkapera at mayroon rin aniya siyang sariling business.

Sinabi pa ni Daniel na magkaibigan lang sila ni Department of Tourism Undersecretary Kat De Castro, na nadawit sa hiwalayan nila ni Erich.

Sabi pa ni Daniel, hangga’t maaari ay ayaw na niyang ungkatin pa ang anumang nangyari sa kanila ni Erich.

Gayunman, bukas naman raw siyang makipagkaibigan kay Erich.

DZXL558

Facebook Comments