Daniel Padilla, financially secure na raw after 10 years

87

Inamin ni Queen Mother Karla Estrada na in ten years, financially secure na ang kanyang anak na si Daniel Padilla.

Ayon kay Karla, mayroon nang savings ang aktor kaya’t sa oras na tumuntong ito ng 35 years old ay okay na ang magiging buhay nito kahit hanggang sa magka-apo siya.


Biro pa ni Karla, bagama’t hindi palahingi si Daniel ay kinakabahan na ito tuwing tatawagin siya nitong ‘ma’ dahil may mamahaling bagay itong hihilingin.

Sa ngayon, tuturuan na raw nito ang kaniyang anak na maghawak ng sarili nitong pera para matuto ng itong gumastos para sa sarili niya.

Facebook Comments