Daniel Padilla, walang regrets sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo

48

Wala raw pinagsisihan ang aktor na si Daniel Padilla sa relasyon nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.

Ito ang naging tugon ni Daniel sa isa sa mga tanong ni Kathryn sa kaniyang Valentine’s Day episode vlog.


Ayon sa aktor, naniniwala siyang walang pinipiling oras ang pagmamahal.

Inamin rin ng aktor na ang dahilan kaya tumagal ang relasyon nilang dalawa ay dahil sa pagmamahal, pagpa-plano sa future nang magkasama at walang katapusang pagsusuyo sa aktres.

“Siyempre una, mahal natin isa’t isa. Pangalawa, sa lahat ng plano natin in the future, kasama ka, kasama ako. Walang katapusang pagsusuyo pa rin. Alam mo naman ako, ‘di ba, love? Iba lang siyempre hindi na parang nanliligaw, pero hanggang ngayon nage-effort pa rin ako sa ‘yo. Minsan sinu-surprise pa rin kita,” ani Daniel.

Facebook Comments