DAPAT MAY MANAGOT | DFA, umaasang aaksyunan ng Kuwaiti government ang ginawang pang-aabuso sa ating mga OFWs

54

Manila, Philippines – Nananawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Kuwaiti Government na aksyunan ang ginawang pang-aabuso at pagmamaltrato ng kanilang mamamayan sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, nais nilang may mapanagot mula sa otoridad sa Kuwait dahil sa kabiguang protektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mga OFWs.

Sinabi pa nito na hindi porket nagtatrabaho at sinuswelduhan ang ating mga kababayan sa Kuwait ay nangangahulugang pwede na silang saktan at abusing.

Kasunod nito umaasa ang DFA na magkakaroon ng full cooperation ang Kuwaiti officials sa ating Philippine Embassy para bigyang hustisya ang ginawang pang aabuso sa ating mga OFWs.

Facebook Comments